Alchemist
Paano ba kami nagkakilala?
Hayaan nyo isalaysay ko sa isang tula.
Sa isang kakaibang laro,
Kami’y unang nagkatagpo.
Buong akala ko’y isa siyang lalaki.
Ngunit ako pala’y nagkamali!
Siya pala’y isang binibini.
Sa kanyang ganda ako’y nabighani.
Isang araw kami ay nagkita,
At sa aking nakita ako’y natulala!
Ang babaing aking nabanggit,
Ay mukhang anghel na hulog ng langit!
Lubos ang kanyang kagandahan!
Ako’y biglang kinabahan!
Ako kaya’y matanggap niya?
Isang hamak na manglulupa?
Humawak sya sa aking braso,
Aking mga tuhod biglang nanlumo.
Kami’y langit at lupa sa pelikula.
Puwede bang magtagpo ang dalawa?
Napadalas ang aming pagkikita.
Unti-unting nahulog loob ko sa kanya.
Ako’y parang kandilang natutunaw.
Sa t’wing ganda niya ang natatanaw!
Ngunit mga walang pakundangang pagsubok,
Dali-daling nangagsipanghimasok!
Pilit sinisira magandang pagtitinginan.
May nagawa ba kaming kasalanan?
Pero isa lang ang lakas loob kong masasabi!
Magmamahalan kami kahit ano pa ang mangyari!
Ito ang simpleng istorya naming dalawa.
Walang nakakaalam kung saan papunta.
Ngunit ang aking patulo’y na dinadalangin,
Na ang aming pagmamahalan lubos na pagpalain!
jbi